just a peek on
ICYWITCH
infinite life.

Nagkausap kami ni Batman. Tumawag ang ‘loko’ kanina. hmpf. Di ko sinagot agad. Pero after ilang miscalls eh pinick ko pa rin ang phone. God, tama ba ang ginawa ko?
He knew na ginawa ko yung ayaw nya, pero yun, ako pa rin ang pinili nya. Though he didn’t knew all the details, he said that its the right time na din. At nagpapasalamat pa ang loko at ako pa ang gumawa ng paraan para masave sya sa sitwasyon na yun. Gago talaga. Could I just give him a lesson first? Hai. Pero mahal ko eh. WAAAAH! Dilemma to me! Should I give him another chance??????!
Makaloka. 
NapakaBATMAN nuh? Kilay pa lang batman na. Hai.
Part ng convo namin kanina:
Me: Oh, tumawag ka na sa inyo?
Batman: Hindi pa. Ikaw ang una.
Me: Hmpf. Cge na, tawag ka na sa inyo. Nag-aalala na yun sila. Taz tawag ka din dun sa kabit mo, marami ka ipapaliwanag sa kanya.
Batman: Haha. Nagseselos ang mahal ko. Hindi ko na yun tatawagan nuh. Di ko na yun icocontact.
Could someone punch him? But yun na nga. Mahal ko eh. Baka inietchos at sinasabi nya lang na di nya tatawagan para di ako mabad trip. Well, kung nagsisinungaling man sya, kay God sya may kasalanan.
YOU’LL NEVER UNDERSTAND, TILL IT HAPPENS TO YOU.
I didn’t expect na yun ang magiging reaction nya. Na iiwan nya tlaga yung girl. Kung totoo man yun naaawa ako ng slight sa girl. Slight lang. Kasi she is expecting na nagsisinungaling lang ako, na sa serioso sa kanya si Batman. At pinapangalandakan pa nya sa friends nya. Excited pa nga sya mamalita na magkikita na sila sa wakas this January. Nakakahiya nga namang aminin na nagpakatanga din sya at aminin na may kasalanan sya sa akin. At alam ko ang feeling ng umaasa sa walang kasiguradohan. Bakit slight? Well, sa ginawa nya sa akin, I think nararapat lang yun sa kanya. Sobrang bilis ng karma. Yan ang mga nangyayari sa nang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend. She has no right to blame me since from the start sinabi ko na sa kanya na ako ang gf. And geez, sinagot nya pa rin! Wala atang ibang guy at nang-aagaw na lang. Haha.
Long distance relationship is really hard. You need to be faithful all throughout. Kahit na kumagat na sa temptation yung partner mo dahil sa distance & communication problems, pagnakita mong nagsisisi sya at humihingi ng chance eh kelangan mo tlagang magtimbang2x ng mga bagay-bagay.
Malamang di mo ako maiintindihan if hindi mo pa tu naranasan. Thus, no one has the right to call a person TANGA without his/her own consent.
Okay, its time to sleep na. Dami pa dapat iprepare for New year’s eve! :))
Tsaka na ako magmumuni2x about him, about us. Dapat stress-free ang pagsalubong ko sa 2012! :))