GUY CALLER:
May girlfriend po ako ng 1 year kaya lang na-attract po ako dun sa isa eh. Maasikaso po kasi eh. Kahit saan magpunta ok siya kasama. Nakipagbreak po ako dun sa 1 year at naging kami nung isa for 3 months.
PAPA JACK:
Sana kumuha ka na lang ng yaya, gusto mo pala maasikaso eh. Masyado kang subjective.
GUY CALLER:
Pero nagbalik po ako dun sa 1 year, akala ko magiging ok kami ulit, kaya lang nung kami na ulit, namimiss ko naman yung 3 months.
PAPA JACK:
Alam mo, wala kang sense of commitment , wala kang contentment. Hindi lahat ng gusto natin ay nasa isang tao. Kung ano man ang kakulangan niya, ikaw ang pupuno, kaya nga andyan ka eh. Huwag kang maghanap ng maghanap. Hindi ka sasaya kapag ganyan. Masyado kang selfish.